Cebu Top na Atraksyon
Cebu Top 8 na Atraksyon – Sa nakaraang taon, ang COVID-19 na pandemya ay tumama sa buong mundo pati narin sa Pilipinas at ang paglalakbay ay isa sa mga masyadong naapektuhan at linimitahan. Para sa isang mahilig maglakbay, ang pandemyang ito ay marahil nakapag bigay ng pagkayamot dahil sa hindi natuloy na mga planong paglalakbay. Pero yun ay sa nakaraang taon, ngayon ang mundo ay unti-unti nang bumabangon at umangkop sa bagong paraan na tinawag na “New Normal” o bagong normal.
Anu ba ang ibig sabihin ng New Normal? Ang terminolohiyang ito ay naging pamilyar at malawakang ginagamit sa mga social media, sa internet, telebisyon, mga establisiyemento, at halos lahat sa buong mundo noong nagsimula ang lahat na bumangon sa epekto ng COVID-19 na pandemya. Ang terminong ito ay nangangahulugan lamang sa bagong pamumuhay, bagong paraan ng pagtatrabaho o pagpasok sa eskwela, bagong paraan sa paggawa ng ating pang araw-araw na gawain, at bagong paraan ng paglalakbay kung saan kinukonsidera ang mga pag-iingat upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Sa Pilipinas, ang gobyerno ay muling binuksan ang turismo sa mga lokal at banyagang manlalakbay, pero importante na tiyakin muna na ang paglalakbay ay pinahihintulutan sa inyong destinasyon dahil mayroon paring mga lugar sa Pilipinas na posibleng hindi pa pinahihintulutan ang mga turista. Dahil ang mga kailangang dokumento o requirements sa paglalakbay ay posibleng mag iba, alamin ang mga opisyal na pinakabagong patakaran o alituntunin sa mga restriksyon at mga kinakailangan na posibleng makaapekto sa inyong paglalakbay.
Pangkalahatang Alituntunin sa Paglalakbay sa Panahon ng New Normal
1. Alamin ang pinakabagong restriksyon sa mga manlalakbay sa lugar na inyong pupuntahan
Bumisita sa mga opisyal na web page at website katulad na lamang ng sa Department of Tourism, Department of Foreign Affairs, o ang mga local na website ng probinsya o munisipyong inyong pupuntahan para makakuha ng tama at opisyal na impormasyon. Hindi mo gugustuhing mag book ng inyong ticket at sa bandang huli ay inyong kanselahin.
2. Kompletuhin ang lahat ng kinakailangang dokumento
Para sa mga turista, dokumento katulad ng travel o tourist pass, medical certificate o clearance, itinerary ng paglalakbay, round trip ticket, at kompirmasyon ng hotel na tutuluyan ay posibleng kailanganin. Tiyaking dala at kompleto ang mga kailangang dokumento para sa inyong paglalakbay upang maiwasan ang komplikasyon sa paglalakbay.
3. Huwag kalimutang magdala ng sanitizer sa inyong backpack
Sa halos lahat ng pampublikong lugar ngayong may pandemya, ay may mga hand sanitizers na makikita dahil ito ay mandato ng gobyerno bilang pag-iwas sa pagkalat ng mga mikrobyo, pero tiyakin lamang na magdala upang magamit mo kung kinakailangan. Ugaliing maghugas ng inyong kamay kapag ikaw ay nakakahawak ng bagay na posibleng hawakan din ng ibang tao gaya ng door knob at barandilya.
4. Parating magsuot ng prokteksyon laban sa COVID-19 at panatilihing dumistansya lalo na maraming tao
Ang pasusuot ng face shield at face mask sa mga pambublikong lugar ay kautusang batas sa Pilipinas, ang dalawang ito ay kinakailangan din sa pagpunta sa Cebu. Posibleng hindi ka papasukin sa mga establisiyemento kung wala kang suot na face shield at mask. Medical grade o cotton o telang mask ang pweding suotin maliban sa mask na may valve.
5. Huwag mag lakbay kung hindi maganda ang pakiramdam
Kung ikaw ay nakakaranas ng mga sintomas na parang trangkaso, huwag munang mag lakbay, kahit na book na ang inyong ticket.
Mga Destinasyon sa Cebu sa Panahon ng New Normal
Ang Cebu ay grupo ng mga isla na matatagpuan sa gitnang bahagi ng Pilipinas. Ito ay binubuo ng pangunahing isla at napapaligiran ng 167 na magaganda at natural na mga isla at maliliit na isla. Ang Cebu City ay pangalawang metropolitan na lungsod sa Pilipinas, ang pinakamatanda at ang unang kabisera ng Pilipinas.
Dahil sa heolohikal nitong lokasyon, ang Cebu ay isa sa mga lugar kung saan nagaganap ang mga pangangalakal bago pa dumating ang mga Espanyol. Ito rin ang nagsisilbing gateway sa napakaraming tourist destination sa Pilipinas katulad ng Bohol kung saan makikita ang pamosong Chocolate Hills, Boracay Island, Puerto Princesa at marami pang iba.
Mayamang kultura, nakakaenganyong kasaysayan, maganda at kamangha-manghang dagat at scuba diving sites, mayamang kabundukan, natatanging mga luto, at mababait na mga tao ay ang “Cebu’s Best” para sa mga manlalakbay.
Must-Visit na mga Makasaysayang Destinasyon
Kung ikaw ay mahilig sa mga makasaysayan, kultural, o relihiyosong pamamasyal, and Cebu ay mayaman sa mga atraksiyong nag bibigay buhay sa kasaysayan nito, at nagpapakita sa malawak at makulay nitong kultura at relihiyon.
1. Mactan Shrine
Ang Mactan Shrine ay makikita sa Lapu-lapu City kung saan nandito rin ang Mactan Airport. Ang shrine ay ang pinaniniwalaang lokasyon kung saan ang “Battle of Mactan” o “Kadaugan sa Mactan” ay naganap. Sa makasaysayang digmaang ito, si Lapu-Lapu, kung saan ang lugar ipinangalan, isa sa mga lider sa lugar at tinatayang 1,500 na taga doon sa lugar ay nakipag digmaan laban sa mga sundalo na pinangungunahan ng isang Portuguese na manlalakbay na si Ferdinand Magellan, na pumunta sa Cebu at isla ng Mactan noong Abril 1521 para ipakilala at dalhin ang Katolisismo sa lugar. Si Lapu-Lapu at ang kanyang mga kasama na hindi sumang-ayon dito ay nagwagi sa labananng ito at ang kolonisasyon ay napigilan sa loob ng 44 na taon. Ang shrine ay may dalawang monumento, ang monumento ni Lapu-Lapu upang gunitain at bigyang parangal si Datu Lapu-Lapu sa kanyang katapangan na ipaglaban ang kanyang sinasakupan, at monumento ni Ferdinand Magellan sa pagdadala at pagpapakilala sa Katolisismo sa Pilipinas at ang Santo Nino (Batang Hesus) sa Cebu.
2. Simala Shrine
Matatagpuan sa mataas na bahagi sa Lindongon, Simala, Sibonga,Cebu, ang Simala Shrine ay isa talagang simbahan at pamoso sa mga lokal at mga turista. Ang simbahang ito ay binibisita ng maraming tao lalong lalo na sa Holy Week at mga aktibidad para ipagdiwang ang Birheng si Maria. Katulad ng ibang simbahan at monasteryo sa Pilipinas, ang shrine ay isinara pansamantala sa publiko noong kasagsagan ng pandemya pero binuksan din noong Disyembre 2020. Dahil sa karingalan at mala-kastilyong awra nito, kahit ang mga taong hindi masyadong relihiyoso ay hindi mapipigilang ito ay bisitahin. Ang pambihira nitong istruktura, payapang atmospera, at nakakalulang tanawin ay ilan lamang sa mga rason kung bakit dapat itong ma-experience at mabisita ng mga manglalakbay. Kung ikaw ay pupunta sa shrine, bukod sa pagsusuot ng face shield at face mask at pagoobserba ng distansiya sa mga tao, ang mga bumibisita ay pinaaalalahanang panatilihin ang katahimikan sa sagradong lugar.
3. Taoist Temple
Ang Cebu Taoist Temple ay makikita sa subdibisyon ng Beverly Hills sa Lahug, Cebu City, at itinatyo noong 1972. Ang lokasyon nito ay nasa mataas na bahagi ng siyudad na tinatayang na 360 talampakan at maaari lamang mapuntahan gamit ang mga pribadong sasakyan. Ang lugar ay binuksan para sa mga mananampalataya at hindi mananampalataya. Ang bukana papunta sa templo ay replika ng “Great Wall of china” at ito ay kamangha-mangha. Kinakailangan umakyat sa tinatayang 120 na baiting upang maabot ang pangunahing templo kung saan makikita mula sa itaas ang lungsod at ang mayabong na kabundukan ng Cebu. Nakakarelaks at “worth it” ang pakiramdam habang nararanasan ang preskong hangin at pinagmamasdan ang kaayang-ayang arkitektural na desenyo ng lugar.
4. Sinulog Festival
Dinaraos tuwing ikatlong lingo sa buwan ng Enero upang ipagdiwang at sambahin ang Santo Nino (Baby Jesus), ang relehiyosong tradisyong ito ay isa sa mga kakaiba, makulay, buhay na buhay, at pinaka malaking piyesta sa Cebu. Ang gawaing ito ay linalahukan ng mga tao mula sa iba’t-ibang bahagi ng Pilipinas. Sa piyestang ito makikita ang makukulay na sayaw sa kalye gamit ang tambol at trumpeta ng mga kalahok na nagmula pa sa iba’t-ibang rehiyon ng Pilipinas. Daang maliliit na tindahan para sa face tattoo at mga pasalubong at memorabilia ang makikita sa daan.
Ngunit nitong 2021 naantala ang Sinulog Festival dahil sa COVID-19 pandemic. Tayo ay umaasa at nananalangin na masaksihang muli ang pagdiriwang na ito sa susunod na taon.
Mga Dapat Bisitahin na Scuba Diving Sites
Ang Pilipinas ay naparangalan bilang Best Overseas Diving Area (overseas category) sa Marine Diving Awards 2020 na naganap sa Tokyo. Nakatanggap din ng nominasyon ang Pilipinas bilang Asia’s Leading Dive Destination at World’s Leading Dive Destination sa 27th World Travel Awards. Ang Cebu ay isa sa mga lugar sa Pilipinas na kilala dahil sa kamangha-mangha at yamang natural sa karagatan. Ang scuba diving sa Cebu ay magbibigay ng napakagandang karanasan sa mga ocean explorers at scuba diving fanatics.
Bagaman ang scuba diving ay isa sa mga aktibidad na pinaghigpitan sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic, noong Oktobre 2020, kinilala itong non-contact sport o aktibidad at kalauna’y pinayagan ang scuba diving alinsunod sa mga bagong patakaran:
- Ang scuba diving sa mga lugar na naka GCQ (General Community Quarantine) at MGCQ (Modified General Community Quarantine) ay pinapayagang magbukas. Ngunit dahil maari itong magbago depende sa lugar, ugaliing suriin ang mga pinagbabawal ng lokal na pamahalaan kung nasaan ang diving site.
- Magdala ng sariling diving gears at mga kagamitan. Bawal ang panghihiram ng gamit.
- Magdala at gumamit ng mga hand sanitizers o disinfectants kung kinakailangan.
- Bawal ang pag dura para ma defog ang inyong gears. Gumamit ng sabon at shampoo bilang defogger.
- Magsuot ng face shield at mask kung nakikipag-usap sa ibang tao.
1. Pescador Island
Ang “Pescador Experience” ay isa sa pinaguusapan ng maraming divers na naka pasyal sa Pescador. Ito ay nakapupukaw at nakakaakit na karanasan na karapat-dapat subukan sa Cebu. Ang isla na isang marine park ay makikita sa lalawigan ng Moalboal sa Cebu at kinikilala bilang hiyas ng Moalboal. Tanyag ang islang ito dahil sa sardine run kung saan libo-libong sardinas na parang buhawi ang nakakamanghang pagmasdan. Makikita din dito ang iba’t-ibang uri ng marine life tulad ng scorpionfish, stonefish, snappers, barracuda, frogfish, at iba pa. Pangkaraniwang makikita ang mga pagong sa islang ito. Sa kanlurang bahagi ng isla makikita ang “Pescador Cathedral”, isang yungib na nagsisimula sa 18 metro hangang 40+ metro. Nakakalito lang minsan ang agos ng dagat pero siguradong magkakaroon ka ng hindi makakalimutang karanasan sa inyong buhay.
2. Mactan Island
Ang islang ito ay isa sa mga pamosong diving spots hindi lamang sa Cebu kundi sa buong Pilipinas. Maraming diving centers dito ang pinahintulutan nang magbukas sa kasagsagan ng pandemya, pero mas magandang mag book muna bago pumunta dito. Ang islang ito ay madaling puntahan dahil nandito rin ang internasyunal na airport ng Cebu, kaya naman kung mayroon ka lamang limitadong oras sa inyong pag bisita sa cebu pero gusto mong maranasan at makita ang yamang dagat dito, ang islang ito ay hindi ka bibiguin.
Ang isla ng Mactan at ang mga nakapalibot ditong maliliit na isla ay mayroong iba’t iba, makukulay, at mayamang likas ng dagat. Makakakita dito ng sea snakes, frogfish, barracuda, leaf fish, mandarin fish, groupers, scorpion fish, blue-ribbon eels, nudibranchs, rainbow runners, pufferfish, clownfish, sweet lips, moray eels, drummers, harlequin fish, butterfly fish, pipefish at marami pang iba. Sa mas malaking sanktuaryo, marami ang mackerel at jacks, turtles, stingrays, at minsan big eye trevallies. Ang ibang dive spots ay tahanan ng mga thresher sharks at hammerhead sharks.
Ang mga diving sites gaya ng sa Tambuli, Agus, Marigondon Cave, Talima Marine Sanctuary ay mapupunahan din mula sa Mactan Island.
Ang Malapascua ay maliit na isla na may habang 2.5 kilometro at lawak na isang kilometro. Meron itong white sand at tahanan ng maliit na komunidad. Matatagpuan sa pinakadulo ng hilagang bahagi ng Cebu, kelangang bumiyahe ng apat na oras papuntang Daanbantayan at sumakay ng bangka ng mahigit kumulang limang minuto papunta sa isla.
Ang islang ito ay napaka popular na diving spot sa Cebu at maganda para sa mga baguhang divers. Magbibigay ito ng malawak at nakakapukaw na karansan para sa mga baguhan dahil ang dive dito ay madaling gawin pero magbibigay inspirasyon para muling sumusid. Ang Malapascua ay pamoso sa mga thresher shark dives sa Monad Shoal, dito ay pweding lumangoy kasama ang mga thresher sharks hanggang kelan mo gusto at marami pang diving experience kung saan makikita ang hindi pa nagagalaw na mga coral gardens, mga bahura, pagdidive sa gabi, wall dives at maraming pang iba.
Ang Cebu ay tunay ngang mayaman ang karagatan at maraming dving spots. Pwede ring bisitahin ang Olango group of islands na malapit lang sa Mactan Island, Nalusuan Island at ang Hilutungan Islang na hindi dapat palampasin sa island hopping at pag iisnorkel. Ang Catancillo Island kung saan makikita ang kakaibang spot na tinatawag na Rendez-Vous, ay isang napakagandang pader papuntang ilalim na may 180 feet patungo sa ibat-ibang uri ng likas na yaman sa ilalim ng dagat.
3. Lumangoy kasama ang mga Whale Shark sa Oslob
Ang whale watching sa oslob ay sinuspende ng apat na buwan sa kasagsagan ng pandemya pero ito’y muling binuksan noong Agosto 2020.
Itong nakakamangha at exciting na paglangoy kasama ang mga whale shark ay mararanasan sa Oslob. Dito, meron kang oportunidad na pumili kung ikaw ay magiisnorkel at makita ng malapitan ang mga whale shark o sila’y panourin mula sa bangka habang sila ay lumalangoy at pinapakain ng mga bangkero.
Talaga namang nakakaexcite na lumangoy kasama ang mga dambuhalang hayop na ito pero importante na sumunod sa mga alituntunin upang siguraduhin na ligtas ka at ang mga whale sharks.
4. Kawasan Falls
Ang talon ng Kawasan ay matatagpuan sa Badian at malapit lamang sa Moalboal. Ang natural na talong ito ay may tatlong bahagi ng klaro at kulay turkesang tubig mula sa bukal sa kabundukan ng Mantalongon. Ang unang bahagi ng talon ang pinakamalaki at ang bahagi na mas marami ang bumibisita, kelangang umakyat ng humigit kumulang 15 minuto upang mapuntahan ang pangalawang bahagi at umakyat pa upang mapuntahan naman ang ikatlong bahagi. Ang pagcacanyoneering ay ang pinakapopular sa lugar na ito. Nagsisimula ito sa ilog ng Canlaob papuntang ibaba sa talon ng Kawasan.
Mga atraksyon sa Cebu Transcentral Highway (Mountain Tour)
Ang Trancentral Highway ng Cebu ay isa sa pinaka magandang ginawa o binago sa isla na may relasyon sa transportasyon. Ang 33 kilometrong highway na ito ay parang ahas sa gitna ng mayabong, maberding kabundukan na nagsisimula sa silangang bahagi ng lalawigan ng Cebu patungo sa kanluran sa Balamban. Ang daang ito ay pamoso sa mga nagbibike o motorcycle riders dahil sa parang walang katapusang paliko-likong daan, malamig na temperature, at ang natural na berding kapaligiran. Ang lugar na ito ay maikokompara sa famosong Kennon Road sa Baguio.
Camping sites, strawberry garden, flower gardens gaya ng Sirao Flower Garden, malawak na taniman ng gulay, any makikita dito at bukas sa publiko. Mountain adventures gaya ng pag zizipline, sky biking, trekking o paghihike, at pagsakay ng kabayo ay mararanasan din dito.
1. Temple of Leah
Isa sa mga bagong atraksyon sa may Cebu Trancentral Highway na unti-unting nagiging pamoso sa mga local at dayuhang bisita ay ang Temple of Leah an tinaguriang “Taj Mahal” ng Cebu. Ang estrukturang ito wa ginawa noong 2021 sa mataas na bahagi ng Busay bilang ekresyon ng pagmamahal ng isang mayamang businessman sa Cebu sa kanyang yumaong asawa na nagngangalang Leah. Makikita ang buong lalawigan ng Cebu mula sa Greco-Roman style na estrakturang ito.
Konklusyon
Ang turismo kahit ito ay biglang hindi pinahintulutan sa Cebu dahil sa Covid-19 na pandemya, ang magagandang tanawin at nakakamanghang tourist spots dito ay muling binuksan para sa mga manlalakbay upang makita at maranasan. Siguraduhin lamang na icheck ang mga pinakabagong alituntunin at mga kinakailangan sa paglalakbay ng inyong pupuntahang lugar bago kayo maglakbay.
Ang Cebu ay tunay ngang isa sa mga lugar sa Pilipinas na hindi dapat palampasin ng isang manlalakbay dahil siguradong ito ay inyong pagsisihan . Ang Cebu ay mayaman, buhay na buhay at kakaibang isla. Mula sa nakakainteres at pamosong historical sites, sikat sa buong mundong karagatan, scuba diving experience, hanggang sa nakaka excite na adventure sa natural nitong kabundukan at marami pang iba.
Cebu Top na Atraksyon
Additional Information on traveling to Cebu, Philippines Wikipedia Cebu
Tuklasin ang Misteryo ng Chocolate Hills sa Bohol, Philippines
Copyright © 2021 · ExploreTraveler