Skip to content

Tuklasin ang Misteryo ng Chocolate Hills sa Bohol, Philippines

Chocolate-Hills-In-Bohol-Philippines

Tuklasin ang Misteryo ng Chocolate Hills sa Bohol, Philippines

Chocolate Hills Bohol Philippines

Tuklasin ang Misteryo ng Chocolate Hills sa Bohol, Philippines – Halos lahat tayo nangangarap na makapag bakasyon o bumisita sa iba’t ibang parte ng mundo kahit sa isang pagkakataon lang sa ating buhay, pero ilan lang sa atin ang naabot ang pangarap na ito, sa nakararami, ito ay hanggang pangarap lang.

Ang Pilipinas ay hindi kasama sa mga tinatawag na “top tourist destinations” sa buong mundo, pero ito ay dahil lamang sa ito’y nadiskubre pagkatapos madiskubre ang ibang tourist destinations. Puno sa mga natural na kagandahan at likas na yaman, ang Pilipinas ay isang lugar na dapat niyong puntahan sa maraming kadahilanan.

The-Wanderlust-philippines

Ang Pilipinas Bilang Isang Holiday Spot

Kilala sa magagandang dagat at malinamnam na mga prutas, ang Pilipinas ay pinangalanan batay sa pangalan ni Haring Philip II ng Espanya.  Ang pulo ng Pilipinas ay matatagpuan sa Timog-Silangang Asya, ito ay tahanan ng iba’t ibang uri ng halaman at hayop na sa pilipinas lang makikita, kaya naman ang pag lalakbay sa Pilipinas ay isa sa pinakamagandang karanasan sa isang manlalakbay.  Ang preskong kapaligiran, natatanging kultura, at magalang na mga tao, ang inyong kelangan kung gusto niyong magpahinga at magliwaliw saglit sa nakakapagod niyong buhay.

Hindi mabibilang ang mga magagandang lugar na pwedeng bisitahin sa Pilipinas, kagaya na lamang sa pamosong isla ng Boracay, na isa sa mga kabisera sa Pilipinas. Ang isla ng Boracay ay merong higit labin dalawang dalampasigan na perpekto para sa mga taong gustong magpahinga at mag enjoy ng mga water activities. At dahil ang Pilipinas ay mayroong 7,000 na pulo o isla, ang magiging pinaka mahirap na desisyon para sa isang manlalakbay ay kung saan ang unang lugar na pupuntahan.

Ang Banaue, isa rin sa mga lugar na magandang puntahan, ay may nakakaakit na Rice Terraces na hindi mo mapapalagpas na bisitahin kung ikaw ay pupunta dun.  Kung ikaw naman ay mahilig sa kasaysayan o pumunta sa mga makasaysayang lugar, ang Vigan na kung saan buhay na buhay ang mga makasaysayang tanawin, ay dapat kasama sa listahan ng mga dapat mong puntahan.  Meron ding mga nakakamangha na mga lungsod at isla gaya ng Maynila at Davao na parehong kakaiba at nakakaaliw na bisitahin. Ang Maynila o Manila, na parating buhay na buhay, ay puno ng mga aktibidad.  Maaari kang sumakay ng jeep, na siyang pangunahing sasakyan sa paglilibot sa lungsod.  Ang Davao naman, na isang pangulong lungsod, ay may halong urbano at natural na elemento.  Sa madaling salita, hindi lamang mga gusali at maraming tao ang iyong makikita sa Davao, makikita mo rin dito ang mga natural na likas na gaya ng Eden Nature Park, Philippine Eagle Center at ang Davao Baywalk sa lungsod na ito.

Sagbayan-Peak-chocolate-hills

Ang Chocolate Hills sa Bohol Bilang Isang Destinasyon

Subalit, sa lahat ng ito, ang isla ng Bohol sa Pilipinas, ay marahil ang ang pinaka magandang destinasyon para mag bakasyon kahit naman lang isang beses sa iyong buhay.  Ang lugar na ito ay tahanan sa pinaka pamosong Chocolate Hills na nasa Carmen, Bohol, kung saan daang mala-tsokolateng burol ang nagbibigay ng maganda at kahangagangang tanawin, ito ay maihahalintulad sa maraming maliliit na bundok ng tsokolate, na nagkalat sa 50 kilometro kwadradong lupain. Ang likas na yamang ito ay dapat talagang pasyalan dahil ito’y kakatwa at ang tanawin ay talagang kahangahanga. Ito ay kilalang dinarayo ng mga turista sa Bohol na may layong 1-2 oras na biyahe mula Alona Beach.

Tungkol sa Chocolate Hills

Ang Chocolate Mountains ng Pilipinas ay isang pagbubuong heolohikal sa probinsya ng Bohol sa Pilipinas, at kahit sa ngayon, sa mga nagbabasa nito, ay marami ang nagtataka kung bakit ito ay popular at kung bakit ito’y pinangalanang “Chocolate Hills”.  Ang hindi pangkaraniwan at kakaiba sa mahiwagang maliliit na mga burol na ito ay kadalasang nababalot ng berdeng damo at nagiging mala tsokolate kapag tag-tuyo. Itong mala tsokolate at napakaraming burol ay mahigit isang libo ang bilang at nagkalat sa may lawak na 50 kilometro kwadrado sa lungsod ng Carmen, Batuan, at Sagbayan. Ang kakaibang burol na ito, kahit iba iba ang laki ay pare-pareho parin ang itsura.

Chocolate Hills Bilang Perpektong Shooting Site

Ang Chocolate Hills ay kilala bilang pinaka magandang lugar para sa hindi mabilang na mga dayuhan at mga lokal na pelikula at tele-serye. Dahil sa kilala at nakaka intrigang kasaysayan nito, magandang tanawin, at mala fairy-tale na senaryo, ang Chocolate Hills tour sa Bohol, ay ilang beses nang naipalabas sa telebisyon. Ang mga mahilig sa sine lalo na yung mga gawa ng mga dayuhan gaya sa mga South-East Asians, ay matutuwa na malaman na ang pelikulang Aguila, Puri, Loveboat, Esteban, Muro-Ami, at ang internasyunal na pelikulang Tigershark ay ginawa dito. Ang kagandahan ng lugar ang umaakit sa mga tao sa buong mundo maging sa eksplorasyon man o pag tampok sa yaman ng kalikasan sa kanilang documentaryo o pelikula.

Ang mga Lutuing Popular sa Chocolate Hills

Noong ika-20 siglo, ang mga lutong Pilipino o lutong pinoy ay nagsimulang makilala sa buong mundo. Puno ng mga natural na pampalasa, maipagmamayabang ang lasa ng lutong pinoy. Ngayon, ang pinaka uso at mabilis ang pag usbong ay ang pagkain naluluto sa bangketa o street food, ay matatagpuan din sa bansang ito kung saan ang mga putahe ay parehong masarap at masustansya. Ang mahilig sa pagkaing ganito ay dapat puntahan ang lugar na ito para masaksihan at maranasan ang kakaibang luto ng Adobo, Sinigang, Kare-kare at Letson.

Mga Alamat na Bumabalot sa Chocolate Hills

Ang Bohol Chocolate Hills ng Pilipinas ay minsa’y napabilang sa “8 Wonders of the World” dahil sa hindi matukoy na pinagmulan o pagkabuo ng mga burol. Maraming alamat ang nauugnay sa Chocolate Hills, na kinukwento ng mga Pilipino tungkol  sa pagkabuo ng burol. Ayon sa alamat, nabuo ang burol dahil sa pagtatalo ng dalawang higante na nagbatuhan ng malalaking bato at buhangin. Ang natira sa pagtatalo nila ay sa ngayong tinawag na Chocolate Hills. Isa pang alamat ang tungkol sa malungkot na higante na ang luha ang dahilan ng pagkabuo ng sikat na burol. Isa ring alamat ang nagsasabing ang burol ay galing sa mga tuyong dumi ng kalabaw.

Batay sa Siyentipikong Pagsasaliksik

Mahalaga parin ang aktwal na siyentipikong paliwanag sa pagkakabuo ng burol. Ang heolohikal na teorya sa pagkakabuo ng mahiwagang Chocolate hills ay resulta ng pagbabago ng panahon at pagkasira ng dagat apog o marine limestone. Ayon sa plaka na makikita sa viewing deck sa bayan ng Carmen, ang Chocolate Hills ay resulta ng pagkaagnas ng limestones o apog na umangat sa ibabaw ng lebel ng dagat at nabuo sa pamamagitan ng tectonic na mga proseso at napaibabaw sa tumigas na putik. Isa pang teorya ang nagsasabing ang burol ay coral reefs na nabuo mula sa pagsabog pagkatapos ng heolohical na pagkilos sa ilalim ng dagat. Kahit ano pa man ang dahilan ng pagkakabuo ng burol, ang kagandahan ng mga ito ay kaakit-akit at hindi dapat palampasin habang nagbabakasyon sa Pilipinas. 

Pinakamagandang panahon para bumisita sa Chocolate Hills

Karamihan sa atin ay kinikilala ang Chocolate Hills na magandang pasyalang lugar. Ang pinaka mainam na panahon para bisitahin ito ay tuwing tagtuyot. Ito ang panahon ng pagkatuyo ng mga damo at ang mga burol ay nagiging mala-tsokolate ang kulay. Ang panahong ito ay nagsisimula sa katapusan ng Nobyembre hanggang Mayo. Isa sa nagbibigay ganda sa bansang Pilipinas ay ang hindi mahulaang takbo ng panahon, mas mainam parin ang sumangguni sa payo ng ekperto tungkol sa ulat panahon bago maglakbay. Kapag nakarating na, merong dalawang lugar na pweding pagpilian para makita ang tunay na kagandahan ng Chocolate Hills.

  • Viewing Deck ng Chocolate Hills Complex

Ang Chocolate Hills komplex ay isa sa mga pangunahing destinasyon para makita ang tunay na kagandahan ng Chocolate Hills. Ito ay matatagpuan sa Barangay Buenos Aires, Carmen, Bohol. Ang Chocolate Hills komplex ay binubuo ng dalawang chocolate hills na isinaayos ilang taon na ang nakalilipas. Binago ito at ginawang complex na mayroong sementong daanan papunta sa taas na may activity area, na kung saan makikita ang swimming pools at mga restawran na mayroong nakasisilaw at matataas na pine trees para magbigay lilim sa daanan. Mayroon din itong mga paupahang kwarto na abot kaya ang presyo sa mga gustong mag overnight sa sentro ng burol. Dahil sa mataas na altitude, maeenjoy ninyo ang kagandahan ng paglubog ng araw at mga burol sa observation decks.

  • Sagbayan Peak

Ang Sagbayan Peak ay isa sa mga lugar kung saan makikita ang kagandahan ng mga burol. Ito ay isang mountain resort at recreational center na matatagpuan sa bayan ng Sagbayan na hindi lang makikita ang kamangha-manghang 360-degree na tanawin ng mga burol kundi maging ang kakaibang bughaw na dagat na nag hihiwalay sa isla ng Bohol at Cebu.

Mga Dapat Gawin sa may Chocolate Hills

  • Galugarin ang Chocolate Hills Adventure Park

Kung gusto mong dalhin sa mas nakakaaliw na lebel ang pagbisita sa Chocolate Hills, bisitahin ang Chocolate Hills Adventure Park.  Ito ay isang eco-tourism park, na matatagpuan sa Barangay ng Buenos Aires sa Carmen.  Pag ika’y pumunta dito, huwag mong palalagpasin ang maka pag bike at surf sa zipline. Itong Chocolate Hills adventure na ito ay tiyak na makapgbibigay sayo ng bugso ng adrenaline.  Mayroon namang iba pang mga pasilidad at mga pweding gawin dito gaya ng mga rope courses o pakikipagsapalaran gamit ang lubid, wave runner, na kung saan makakapaglakad ka sa umaagyog na nakabiting kahoy o lubid, at makakakita din kayo dito ng iba’t ibang klase ng paru-paru at mayamang uri ng halaman at hayop na matatagpuan sa “Ang Paru Paro” na isang hardin.

Chocolate-Hills-ATV-rentals

  • Sumakay sa maaksiyong Chocolate Hills ATV

Ang mga nature lovers ay tiyak na mageenjoy sa Chocolate Hills dahil maaring mag libot at pumasyal habang nakasakay sa isang ATV.  Habang patungo sa Chocolate Hills sa Carmen, madadaanan ng mga manlalakbay ang kaakit-akit na Bilar manmade forest o gawang-taong gubat, na mas nakapadagdag sa kakaiba at nakakamanghang paglalakbay na ito.  Ito ay popular na hinihintuan ng manlalakbay para mag photoshoot dahil makikita dito ang matataas, puti at pulang mga puno ng mahogany.  Ang gubat na ito ay matatagpuan sa hangganan na napapagitnaan ng Loboc at Bilar.

Ang mga manlalakbay na dumaraan sa gubat na ito ay mararanasan ang pag bugso ng masarap na temperatura at malamig na simoy ng hangin, ito ay dahil ang matataas na puno ay humaharang sa sikat ng araw.

Maliban sa Chocolate Hills, ang Bohol ay kilala dahil sa kanilang hayop na may malalaking mata, ang mga Tarsiers. Ang mga tarsiers ay mga hayop na aktibo sa gabi, ito ay kasinlaki ng kamay ng tao at napaka sensitibo sa tunog. Hindi magiging kompleto ang bakasyon o paglalakbay mo sa Bohol kung hindi mo makikita ang maliit na hayop na ito.  Kaya habang nasa Chocolate Hills ka, bisitahin ang sanktuaryo ng mga tarsier at gawing sulit ang iyong pamamasyal.

Ang Chocolate Hills ay Isang “must-visit” ng mga-

Chocolate-Hills-In-Bohol

Mahilig mamasyal

Para sa mga mahilig sa paglalakbay, kung saan nasa dugo at kaluluwa na nila ang kagustuhang maranasan at masaksihan ang ganda ng mga natural na likas sa yaman sa mundo, ay dapat talagang bisitahin ang Chocolate Hills.  Ang nakakamanghang lugar na ito ay tiyak na uukit sa iyong puso magpakailan man.

Manunulat

Para sa mga mahilig sumulat at kumuha ng inspirasyon sa kalikasan, ang lugar na ito ay hindi lamang magbibigay sayo ng sandaling makakapagsabi ka ng “Aha!”, ngunit dahil din sa mga misteryosong alamat, nakakamanghang kwento, at komplikadong heolohikal na pagkakabuo, ay maka pagbibigay ng nakakaenganyong kwento, o maari ding maka pagbigay ng mga ideya at pundasyon para sa iyong mga sulatin.

Para sa mahilig sa mga adventurous trekking

Ang Chocolate Hills ay isa sa mga pinakamagandang lokasyon sa pag tetreking at iba pang mga adventures sa Pilipinas.  Ang lugar na ito  ay puno ng mga likas na halaman at mga hayop pati na rin mga talon, na talaga namang kaakit-akit. Ngunit walang grupo ng mga nagtitrekk ang regular dito kaya siguraduhing munang magpalista kasama sila.

honemoon-Chocolate-Hills

Ang Chocolate Hills – Isang Natatanging Lugar para sa Honeymoon

Sa mga magsing-irog na gusto ng kakaibang honeymoon, ito ang perpektong lugar para dito. Ang Chocolate Hills, maliban sa pagiging kamangha-mangha ay mayroon ding mga kweba at batis sa patag nito na mahohook ka sa kagandahan nito.  Ang parteng ito ng burol, ay ang pinaka magandang lokasyon kung saan mabubuo ang mga magagandang alaala at kahanga-hangang karanasan

Mga Kailangang dalhin bago bumisita sa Chocolate Hills:

  • Komportable at cotton na damit
  • Magaang bag o luggage
  • Insect-repellent 
  • Magaan na sidlanan
  • Kamera na maganda ang kondisyon para makakuha ng litrato ng kaaya-ayang tanawin

Kaya naman, ang Chocolate Hills na isa sa pinagmamalaki ng Pilipinas, ay hindi lamang nakapagbibigay ng adventure, kundi ito rin ay magandang lugar para sa mahilig sa natural na likas na yaman at mga mag sing-irog.

Konklusyon

Kahit marami ang agam-agam, mga alamat at hindi maipaliwanag na pagkakabuo o pinagmulan ng mahiwagang Chocolate hills, hindi maikukubli ang katotohanan na hindi lang ito mala-himalang kababalaghan kundi isang magandang tanawin at napaka sulit na bisitahin kahit isang beses lang sa ating buhay. Ang karanasan dito ay hindi mapapantayan. Bukod sa tanawin, marami pang mga aktibidad ang pwede mong gawin. Sa pamamagitan ng pag-bisita sa mga lugar tulad ng Chocolate Hills ay matutuklasan mo ang kagandahan at kababalaghan sa natural nitong anyo. 

Welcome to Bohol, Philippines

Sign
logo

Tuklasin ang Misteryo ng Chocolate Hills sa Bohol, Philippines @ Copyright 2021 ExploreTraveler 2021  

Bahay Kubo: Tradisyonal na pamumuhay ng Filipino sa Bukid

Unraveling The Mystery Behind The Famed Chocolate Hills In Bohol, Philippines

Walang Kapantay Na Oras sa Isla ng Cebu

Ligaw na Kabute na Matatagpuan sa Pilipinas

Bakasyon at Scuba Diving sa Coral Reefs ng Pilipinas